Monday, November 19, 2007

LMC Bataan Ride

Nov. 18, 2007 - First Time namin makasama ang Laguna Moto Club. Going to Mt. Samat Shrine Bataan. Bago kami umalis ang lakas na ng ulan, sa Olivarez Biñan ang meeting place. Kala ko nga maulan sa bataan, hindi naman pala. Kumain kami sa Mcdo bocaue bulacan, walang ulan dun. Kaya tuloy tuloy na ang biyahe namin. Mainit sa San Fernando Pampanga hanggang sa Balanga City Bataan. Nag lunch kami sa Balanga city Bataan, ang daming kanin. Kaya nabusog ako. Dun sa Mt. Samat Shrine ang lamig (kaso walang fog), sobra lakas ng hangin, nakakaantok tuloy. Aakyat na sana ako sa malaking cross kaso nawalan ng power yung elevator, thanks god, hindi ako nakasama sa mga na unang umakyat. Pagod na pagod sila sa pagbaba lalo na si Yhel, 400 step daw yun sabi nila. Hapon na rin kami umalis dun. Kaya gabi na kami nakauwi sa bahay.

Saturday, November 3, 2007

Taytay Falls

Nov. 3, 2007 - 5th Solo Ride (Long Ride Trip), na summary ko ang lugar na dinaanan namin sa Laguna. Simula sa San Pedro going to Marilaque (Mabitac, Famy, Siniloan, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Pagsanjan, Sta Cruz, Pila, Victoria, Bay, Los Baños, Calamba, Cabuyao, Sta. Rosa at Biñan) yan ang dinaanan namin nung umuwi kami. Next naman going to Matnog Sorsogon (Alaminos at San Pablo) naman. Ngayon naman (San Pablo, Rizal, Nagcarlan, Liliw, Magdalena, Majayjay at Calauan).

Ito yung mga pinuntahan namin:
-Sa San Pablo City dumaan kami sa ( isa sa seven lakes ng San Pablo) Lake Pandin. Ang haba ng nilakad namin pero sulit naman dahil maganda ang view.
-Sa Nagcarlan, nadaanan namin ang Underground Cemetery isa sa historical land mark.
-Sa Magdalena, dinaanan namin yung lumang simbahan.
-Sa Liliw, nadaanan ang lumang simbahan.
-Sa Majayjay, pinuntahan namin yung Imelda Falls/Taytay Falls. Madulas ang daanan dito, pero napaka linis ng tubig at maganda ang view.

Ang sarap ng lakad namin na ito, kasi napakalinis ng hangin, mahamog at ang tataas ng kalsada. Parang bituka ng manok. Ang hindi na lang namin na pupuntahan sa Laguna ay Luisiana at Cavinti. Baka ito na ang isunod namin, na solo ride.