Sept. 14, 2008 - LMC Lian Batangas Ride. 24 Riders ang sumama, WOW dami namin. Umakyat kami sa Tagaytay para kumain ng breakfast, tapos diretso na kami sa Lian Batangas. Kakatuwa mag shot ng picture habang tumatakbo yung motor. Nung nasa twisties na kami sa Lian Batangas, another record na naman si Raffyboy (3X na daw sabi nya), Suki na yata sya sa semplang. Pagbaba namin sa Lian, akyat naman kami sa Lemery, sa may fantasy world, tapos take ng picture. Balik na kami sa Tagaytay. Nung pauwi na hinahabol kami ng ulan.
Showing posts with label LMC Ride. Show all posts
Showing posts with label LMC Ride. Show all posts
Sunday, September 14, 2008
Monday, June 16, 2008
LMC Marilaque Ride
June 15, 2008 - Bike Blessing ng Laguna Moto Club sa Antipolo, tapos diretso kami sa Marilaque, kaso maligaw kami, kumain muna kami, tapos ride na. Nasa Santa Maria, Laguna na kami next nun Famy Laguna na. Kaya balik kami, na papuntang marilaque, umakyat na kami sa Marilaque (sa wakas), sarap na sarap sila sa ride. Take ng picture sa Garden Cottage, tapos baba na kami sa marilaque. Balik na kami sa Famy, ang lakas ng ulan. (Kaya hindi ko makakalimutan yung unang ride namin sa Marilaque, Pag pasok ng Laguna basang basa kami ng ulan). Tapos pinatila muna namin yung ulan, takbo ulit sa Petron Famy, hinto ulit, kasi umuulan nanaman, tumigil na yung ulan, ride na kami biglang bumuhos na naman yung ulan (nag raincoat na) kaso sa paete walang ulan. May check point kaya tanggalan na ng raincoat habang pinakikita yung driver license. May kasama kaming babae na rider. Kumusta na kaya sya. Sobra, nakakapagod yung ride namin, 2X sa marilaque tapos 3x dun sa road papuntang famy. Nakakahilo yun. Pero masarap naman.
Monday, January 14, 2008
LMC Cavite Ride (Caylabne Bay)
Jan. 13, 2008 - LMC official Ride for the month of January. Ang dami namin, muntik na nga kami hindi makarating sa meeting place sa shell pavilion. Buti na lang umabot kami (wala na pala kaming gas), medyo late nga kami. Tapos nun pumunta kami sa Paseo de Santa Rosa, dun nag hintay yung iba. Medyo wala ako sa mood (kasi may ubo ako). Akyat kami sa tagaytay tapos Amadeo, kumain kami, tapos alis na rin going to ternate sa marine base at Caylabne Bay. Maganda ang mga view dito, lalo na siguro kung nakapasok kami sa Caylabne Resort. Kaso mahal ang entrance 500.00
Monday, November 19, 2007
LMC Bataan Ride
Nov. 18, 2007 - First Time namin makasama ang Laguna Moto Club. Going to Mt. Samat Shrine Bataan. Bago kami umalis ang lakas na ng ulan, sa Olivarez BiƱan ang meeting place. Kala ko nga maulan sa bataan, hindi naman pala. Kumain kami sa Mcdo bocaue bulacan, walang ulan dun. Kaya tuloy tuloy na ang biyahe namin. Mainit sa San Fernando Pampanga hanggang sa Balanga City Bataan. Nag lunch kami sa Balanga city Bataan, ang daming kanin. Kaya nabusog ako. Dun sa Mt. Samat Shrine ang lamig (kaso walang fog), sobra lakas ng hangin, nakakaantok tuloy. Aakyat na sana ako sa malaking cross kaso nawalan ng power yung elevator, thanks god, hindi ako nakasama sa mga na unang umakyat. Pagod na pagod sila sa pagbaba lalo na si Yhel, 400 step daw yun sabi nila. Hapon na rin kami umalis dun. Kaya gabi na kami nakauwi sa bahay.
Subscribe to:
Posts (Atom)
