Saturday, November 3, 2007

Taytay Falls

Nov. 3, 2007 - 5th Solo Ride (Long Ride Trip), na summary ko ang lugar na dinaanan namin sa Laguna. Simula sa San Pedro going to Marilaque (Mabitac, Famy, Siniloan, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Pagsanjan, Sta Cruz, Pila, Victoria, Bay, Los Baños, Calamba, Cabuyao, Sta. Rosa at Biñan) yan ang dinaanan namin nung umuwi kami. Next naman going to Matnog Sorsogon (Alaminos at San Pablo) naman. Ngayon naman (San Pablo, Rizal, Nagcarlan, Liliw, Magdalena, Majayjay at Calauan).

Ito yung mga pinuntahan namin:
-Sa San Pablo City dumaan kami sa ( isa sa seven lakes ng San Pablo) Lake Pandin. Ang haba ng nilakad namin pero sulit naman dahil maganda ang view.
-Sa Nagcarlan, nadaanan namin ang Underground Cemetery isa sa historical land mark.
-Sa Magdalena, dinaanan namin yung lumang simbahan.
-Sa Liliw, nadaanan ang lumang simbahan.
-Sa Majayjay, pinuntahan namin yung Imelda Falls/Taytay Falls. Madulas ang daanan dito, pero napaka linis ng tubig at maganda ang view.

Ang sarap ng lakad namin na ito, kasi napakalinis ng hangin, mahamog at ang tataas ng kalsada. Parang bituka ng manok. Ang hindi na lang namin na pupuntahan sa Laguna ay Luisiana at Cavinti. Baka ito na ang isunod namin, na solo ride.

No comments: