Monday, June 16, 2008

LMC Marilaque Ride

June 15, 2008 - Bike Blessing ng Laguna Moto Club sa Antipolo, tapos diretso kami sa Marilaque, kaso maligaw kami, kumain muna kami, tapos ride na. Nasa Santa Maria, Laguna na kami next nun Famy Laguna na. Kaya balik kami, na papuntang marilaque, umakyat na kami sa Marilaque (sa wakas), sarap na sarap sila sa ride. Take ng picture sa Garden Cottage, tapos baba na kami sa marilaque. Balik na kami sa Famy, ang lakas ng ulan. (Kaya hindi ko makakalimutan yung unang ride namin sa Marilaque, Pag pasok ng Laguna basang basa kami ng ulan). Tapos pinatila muna namin yung ulan, takbo ulit sa Petron Famy, hinto ulit, kasi umuulan nanaman, tumigil na yung ulan, ride na kami biglang bumuhos na naman yung ulan (nag raincoat na) kaso sa paete walang ulan. May check point kaya tanggalan na ng raincoat habang pinakikita yung driver license. May kasama kaming babae na rider. Kumusta na kaya sya. Sobra, nakakapagod yung ride namin, 2X sa marilaque tapos 3x dun sa road papuntang famy. Nakakahilo yun. Pero masarap naman.

Motorcycle Magazine Vol. 3 Issue No. 2

Wow, Wala akong masabi dito, shock talaga ako, yung club na sinalihan ng asawa ko, na "LAGUNA MOTO CLUB" ay nasa magazine. Pati ako nandun (sa magazine), sa ride ng Bataan nung last year.