Monday, February 11, 2008

Clockwise North Loop d Loop Ride

Feb. 8 - 10, 2008 - Second Open Ride namin ulit (Long Ride), pa North loop the loop for 3 days. Wow ang ganda ng view at sobra dami ng twisties mag sasawa ka, (pero pag straight nakaka antok sarap matulog), kaso hindi pwede.

Feb. 7, 2008, Naisipan namin na umalis ng maaga around 5:30pm sa Laguna, nag overnight kami sa Madonna Lodge edsa malapit sa meeting place.

Day 1 - Wow daming sumama, I think 12 yata kami, ako lang yung naka backride. Si first lady ang cute ng motor nya pink na pink, tapos ang liit pa ng bagpack nya (si dora). Nag takeoff kami ng 4:30am. Kainis naputulan kami ng Chain sa bandang Balagtas Bulacan, buti na lang may spare parts ang asawa ko, kasama namin si Jumboy (wow dami ko pics sa joyride nya) at si Caloy (bumili kami ng bagong kadena, para maiwasan na maputulan kami ng kadena, kaso nangyari nga, kaasar). Humabol kami sa San Fernando Pampanga Mcdo. Ang route namin Via Zambales - Pangasinan - Ilocos Sur (Vigan City). Along the highway, sa mabini Pangasinan, may mga kasama kami na, naubusan ng gas (buti na lang si Caloy nag pa full tank). Gabi na kami nakarating sa Vigan, nag stay kami sa LA FELIZA Tourist Inn (200.00 each), grabe ang lamig at ang lakas ng hangin dito, kumain kami sa Cafe Leona (Vigan Longanisa).

Day 2 - Nag prepare na kami, nag breakfast kami with Sunsetrider Mcdo vigan. Nag ikot ikot take ng picture sa old house. Bumili ako ng bibingka. Takeoff na, ang route namin Ilocos Norte - Aparri. Pumunta kami sa Paoay Church, Laoag City, Cape Bojeador Lighthouse, Bangui Windmill, Pagudpud at Patapat Bridge. Wow grabe kakatakot dito “French Riviera of the North” (boundary ng Ilocos Norte at Cagayan). Sinalubong kami ng Aparri riders Club sa Sanchez-mira, wow kala ko malapit lang yung Aparri, layo din pala. Dito na kami nag stay (100.00 each). Pinapalitan na namin yung chain namin, lakas ng hangin dito, kala mo may bagyo.

Day 3 - 5:30am nag takeoff na, ang route namin Cagayan - Isabela - Nueva Vizcaya - Nueva Ecija - Bulacan. Kaso umulan pag alis namin ng Aparri, yung motor ni First Lady nasira kaya nahati yung group, habang hinihintay sila dumating naman si Battam (basang basa ng ulan), nauna na kami sa Tuguegarao para kumain ng Batil Patong. Ang ganda ng bundok sa Isabela, kaso pangit yung kalsada daming lubaklubak (lugi kami kasi hindi XR200), sisiw sa kanila yun. Nalaglag yung upuan ng Z200 ni Battam kala namin sapatos. Sa Santiago Isabela nag regroup, nakahabol sila, Kumain kami sa Bagabang Nueva Viscaya pangit din ang kalsada daming bitak bitak. Nauna na kami umalis, kasama namin yung mga naka XR200. Grabe yung sa Sta. Fe going to San Jose City (yung Boundary ng Nueva Viscaya at Nueva Ecija). Daming twisties sarap kaso pangit talaga yung kalsada, kaya hindi na muna kami babalik dun hangga't wala pa kami bagong motor (joyride). Hinintay namin sila sa San Jose, medyo nagka delay delay na. Kaya sabi ni Jumboy mauna na kami ulit. Laging kasama namin yung naka XR200 (Sunsetrider lagi namin nasa likod, Rolxi98 nasa unahan namin, at si Black Naz yung nauna sa Pagudpud (hindi naka kain ng Lunch sa day 2, kaya galit na galit sa kanin) hanggang sa Monumento. Umaga na around 2:00am na Antok na Antok na kami tapos Laguna pa medyo delekado na umuwi kaya nag stay na kami sa Winston Lodge.


Monday, February 4, 2008

Splash Mountain

Feb. 3, 2008 - Bonding moments nila ito (mga kumalas sa SYMbros), almost 6 months na walang group ride. Ngayon lang sila nagsama sama sa Splash Mountain - Los BaƱos. 6 na motor + 4 na naka backride na girls. Boys ang namalengke, boys ulit ang nag ihaw ihaw. Mainit nga lang yung tubig medyo sumakit yung ulo ko. Sayang hindi bukas yung big slide, sa March pa nila kasi bubuksan.