Monday, January 21, 2008

Baguio Ride

Jan. 17 - 20, 2008 - 7th Solo Ride (Long Ride Trip)for the month of january 2008. Umalis kami ng 4:30 in the morning sa San Pedro, Laguna. Ang road route namin Edsa - Bulacan - Pampanga - Bataan - Zambales - Pangasinan (Alcala).

6:45am nasa Bocaue Bulacan na kami, kumain muna kami sa mcdo for breakfast. Then alis din kami agad 8:45am nasa San Fernando Pampanga, dumaan kami sa olongapo, wow ang ganda ng view. Kaso dun sa subic zambales, bigla kaming pinahinto ng pulis, dahil nag over take kami medyo na daanan namin yung yellow line, may violation daw kami, medyo nasira na yung araw namin. Pinakiusapan namin yung pulis kaya okey na. Tuloy kami sa biyahe ang layo ng zambales, grabe pero masarap kasi walang masyadong sasakyan at daming twisties. 2:30pm na nang dumating kami sa Alaminos Pangasinan, kumain muna kami sa chowking alaminos, ang plan talaga namin dumaan sa Hundred Island, kaso gagabihin kami sa daan. Sabi ko diretso na tayo sa Alcala Pangasinan (sa bahay ng lola nya). Medyo malayo din, pero kitang kita mo yung paghampas ng alon sa wall malapit sa bayan ng Labrador at Lingayen. Nung nasa Bayambang Pangasinan na kami medyo na ligaw kami. Napadaan kami sa Tarlac via camiling. Balik kami sa bayambang ulit (16km yun). Ginagawa yung tulay dun papuntang Alcala, pero nakatawid din kami, dumating kami sa Alcala ng 7:30pm.

Jan. 18 - 8:00 in the morning umalis na kami sa Alcala going to Baguio (Marcos Highway). Fiesta sa Villasis (Talong Festival) traffic grabe. Pagkalagpas namin medyo okey na kaso pangit ang kalsada going to baguio. Medyo mahirapan si Maggy (motor namin) sa pag akyat sa Baguio, kaya nagpalit kami ng spocket sa harapan. okey na si Maggy nasa Baguio na kami ganda ng twisties dito sarap. 11:00am nag check in na kami, iniwan namin yung bag sa Blue mountain hotel. Tapos nun gala na! pasyal na! go. go. go. ito yung mga pinuntahan namin, Lourdes Grotto (225 steps) hingal kami grabe, tapos kumain kami ng STRAWBERRY TAHO (sarap). Punta naman kami sa Bell Church, kaso hindi daw pwede pumasok may shooting. So pumunta kami sa Strawberry Farm, dami strawberry, bumili ako ng 2 kilo strawberry. Kinain ko lahat hehehe. Bumili ako ng Sagada orange 3pcs (100.00), Fresh Strawberry (120.00 per kilo), bumili din ako ng Baguio T-shirt (white lang 150.00 2pcs). Pumunta kami sa Burnham Park, Boating Lagoon at SM Baguio.



Jan. 19 - 7:30am nasa Camp John Hay na kami, maaga pa kaya hindi namin napasok agad yung bell house (105 years na yung bahay), pumunta kami sa Mines view park, nagpapicture ako sa aso (st. bernard) 20.00 per shot, sumakay din ako sa horse (10.00 per shot din). Bumili ako ng strawberry jam at ube jam. Balik na kami muna sa hotel para iwan yung mga jam. Balik kami sa Camp John Hay, bukas na 30.00 ang entrance sa bell house, kuha ng pics, tapos daan kami sa Wright Park at The Mansion, kuha ulit ng pics, Tapos sa botanical garden, wala naman masyado flower. Sa Easter Weaving dumaan lang kami, Sa Bell Church ang ganda ang taas ng inakyat namin medyo umaambon na may fog na akong nakita. Tapos sa Cystal Cave, papasok na kami 80.00 ang isang tour guide, kaso na bad trip kami dahil gusto nila 3 ang kunin namin na tour guide (240.00) kasi daw madilim yung flash light pag isa lang daw. Kaya naisipan ko na wag na lang tumuloy at ang baho na rin ng tubig dun sa loob. Tapos umulan na kaya bumalik na kami sa hotel.



Jan. 20 - Nag ayos na ng mga gamit kasi uuwi na kami. Nag check out na kami, sa Blue Mountain Hotel per day (784.00) ang rate nila 1pm - 12am, with cr na yung room. Ayos naman yun parking lot nila, safe si Maggy. Yung food naman, sa baba ng hotel may neneng's mini mart at fast food dun, mura lang 60.00 - 45.00 per order ang ulam, 8.00 lang ang kanin dun. Ihahatid na nila yung food sa kwarto.8:30 in the Morning, ready na kami umuwi. Sa Kenon kami dumaan



wow grabe yung mga twisties dito sobra ingat kami, kasi dami namin dalang jam hehehe. Ang road route namin Pangasinan - Tarlac - Pampanga - Bulacan - Edsa - C5 - Sucat - Alabang (Daang Hari) - San Pedro, Laguna. Nasa Bahay na kami ng 5:30pm. ito yung layo, 987 km, gas naman 969.25

Monday, January 14, 2008

LMC Cavite Ride (Caylabne Bay)

Jan. 13, 2008 - LMC official Ride for the month of January. Ang dami namin, muntik na nga kami hindi makarating sa meeting place sa shell pavilion. Buti na lang umabot kami (wala na pala kaming gas), medyo late nga kami. Tapos nun pumunta kami sa Paseo de Santa Rosa, dun nag hintay yung iba. Medyo wala ako sa mood (kasi may ubo ako). Akyat kami sa tagaytay tapos Amadeo, kumain kami, tapos alis na rin going to ternate sa marine base at Caylabne Bay. Maganda ang mga view dito, lalo na siguro kung nakapasok kami sa Caylabne Resort. Kaso mahal ang entrance 500.00



Tuesday, January 8, 2008

Star City

Dec. 28, 2007 - 6th Solo Ride (Short Ride Trip)6th Anniversary namin, sa Star City kami namasyal. Sa Dino Island at Snow world kami pumasok. Tapos naglaro na lang kami, ng mga games kaso, wala kaming naiuwi na toy. Tapos nun umuwi na kami.




Nasugbu Batangas Ride

Dec. 16, 2007 - Yung mga kasamahan ng asawa ko sa office nya, nag kayayahan na mag ride. Hindi namin alam kung saan yung bulaluhan, kaya may nag guide sa amin (hansss) yata yun?. Pagkarating namin sa tagaytay kumain muna kami sa bulaluhan, kaso malungkot na yung iba, kasi nasira na yung mga budget nila. (Medyo that time hindi pa ako pwede kumain ng meat, so soup lang at rice, coz I had sa root canal treatment). Im shock na ganun kalaki yung binayaran ko sa food. (Medyo nakita ko na malungkot na nga yung mga co officemate nya, kasi hindi naman sila nag order ng iba pang food). So naging spear head kami. Inikot namin sila sa Peoples Park, tapos diretso na kami sa Nasugbu Batangas, ang plan kasi nila eh maliligo sila dun, kaso dumating na kami dun, medyo mainit na, kaya hindi na sila naligo. So bumili na lang kami ng lutong ulam. Tapos take na ng picture sa dagat, konting pahinga, alis na rin kami. Pag dating namin sa tagaytay ulit ang fog, kasi umambon.