Tuesday, October 30, 2007

Matnog Sorsogon Ride

Oct. 12 - 14, 2007 - Ito yung First Open Ride namin (Long Ride). Ito yung pinaka marami kaming kasama. Umalis sila ng 4:30 am sa Magallanes. Nag hookup na lang kami sa SM sta. rosa. Tatlo kaming backride. Destination: Matnog Sorsogon, dulo na ng Luzon ito. Baka next ride sa Visaya na kami (Ang saya nito). Maganda ang mga view dito lalo na yung mountain sa Quezon Province (ang lamig). Nag Overnight kami sa Legaspi City. Kinabukasan going to Matnog Sorsogon na, tapos Daet na kami nag overnight. Ang Sarap ng simoy ng hangin dito, medyo masakit lang sa likod kasi wala akong sandalan. (sana sa next open ride ulit may Joyride na kami).

Tagaytay Ride

Sept. 23, 2007 - 3rd group ride ito. Pumunta kami sa Tagaytay para ma practice namin yung saddle bag (na dadalhin namin sa Matnog Sorsogon). Medyo maulan at mahamog. Sobra lamig. Gala muna sa Picnic Grove, People's Park in the Sky at Mushroom Burger.

Thursday, October 25, 2007

Tagaytay to Calatagan Batangas

Sept. 9, 2007 - Second Group Ride ulit. Nag plano kami na pumunta sa Lighthouse ng Calatagan Batangas. Mainit sa Batangas, iba ang simoy ng hangin hindi tulad sa Laguna at Tagaytay malamig lamig. Medyo nahirapan kami hanapin yung lighthouse kasi wala masyadong direction. May kambing na buntis, dun sa lugar na malapit sa lighthouse. Ayaw ng kambing ang kulay pula, dahil suot ng asawa ko ang kulay pulang jacket, muntik na syang sugurin nung kambing habang naglalakad sya papuntang lighthouse.

Symbros Marilaque Ride

Aug. 20, 2007 - First Group Ride sa Symbros going to Marilaque, means Manila Rizal Laguna and Quezon. First time namin na may kasama kami sa ride, pero masaya, kasi ang daming memories na nagyari. Nag Lunch kami sa Real Quezon. Humiwalay na kami sa grupo nung pauwi na, lahat kasi sila taga manila, kami laguna so mas maikli yung byahe kung dadaan kami sa famy laguna going to san pedro laguna. Hindi ko akalain na maiikot namin ang Laguna de bay.

Manila Zoo and Orchidarium

July 5, 2007 4th Solo Ride (Short Ride Trip). Para ma explore namin ang manila, Nag punta kami sa Manila Zoo at Orchidarium to take a picture. Lakad lakad sa Luneta Park.

Tagaytay Zoo

June 30, 2007 Third Solo Ride (Short Ride Trip). Sa tagaytay zoo naman kami namasyal. Ang cute ng bird na ito. Nag papakamot siya ng likod. Maaaliw ka talaga sa kanya. ( Tinanong ko na sa kanila kung pwede ba itong bilhin ) at ang sabi nila NOT FOR SALE... May brown bear din dito. Grabe ang tapang. Sobrang dami dito ang tiger.

Calamba

June 23, 2007 Second Solo Ride (Short Ride Trip). Nag yaya ng outing ang co officemate ni rens. Kaya nag swimming kami sa Pansol Calamba. Dun na lang kami nagkita kita.

Tagaytay Picnic Grove to Island Cove Cavite

June 2, 2007 First Solo Ride (Short Ride Trip), simula nung binili namin yung SYM Magic 110cc. Nag punta kami sa Tagaytay Picnic Grove, dun muna kami nag tumambay. Take ng Video. Tapos naisipan namin na pumunta sa Island Cove sa Cavite. Nag day tour lang kami. Sa loob nang Island Cove may Wildlife Sanctuary sila. Dun kami namasyal. Maganda dito ang lawak ng lugar lalo na yung Crocodile Farm nila, Grabe dami talagang crocodile. May baby tiger din sila. Tuwang tuwa nga yung asawa ko sa baby tiger kasi para daw kuting nung hinahawakan nya. ( I think 2 Months old pa lang yun..)