Thursday, February 26, 2009

Bohol Ride

Feb. 27, 2009 - 10th Longest Solo Ride. From San Pedro,Laguna to Tabaco,Albay. Dumaan kami sa Ocampo - Tigaon - Sagñay, Camarines Sur papuntang Tabaco, Albay. Dami ditong twisties, sa sobrang dami sumadsad tuloy yung right nyang paa. Ang ganda ng Island at beach dito.



Feb. 28, 2009 - From Tabaco, Albay to Allen, Samar. Pumunta kami sa lahat ng Tourist Spot sa Legaspi, Albay at Cagsawa Ruins Park sa Daraga, Albay. Pagkatapos tumuloy na kami sa Matnog, Sorsogon. Tamang tama, kami na lang yung hinihintay ng Roro papuntang Allen, Samar. Sa pag mamadali yung mga tao na lang sa pier ang nag lakad ng mga papers at pamasahe namin. Sabay pasok na yung motor sa Roro (ang bilis). Ilang oras lang nasa Allen, Samar na kami. Naghanap na kami ng lugar kung saan kami mag stay for overnight. Sa Wayang Wayang Beach Resort, maganda dito.



Mar. 01, 2009 - From Allen, Samar - Ormoc City, Leyte to Cebu Pier. Medyo nag alala kami, kasi umulan ng malakas, pero go pa rin, hindi naman nagtagal yung ulan. Ang pangit ng road sa Allen, Samar to Catbalogan, Samar. Pero sulit naman, kasi nadaanan namin yung San Juanico Bridge, kaso nakakabitin parang ang ikli lang nya). Medyo nag low bat yung battery ko sa digicam, kaya yung iba sa Tacloban City na Tourist Spot wala akong kuha, tulad ng Sto. Niño Shrine and Heritage Museum at Kanhuraw Hill. Dumaan Kami sa Palo, Leyte sa Mac Arthur Landing Memorial at Palo Metropolitan Cathedral.
Naghabol na kami ng oras papuntang Ormoc City. Dami din na twisties dito, nag sawa na ako sa twisties (nakaka umay). Nasa Ormoc na kami, kumain muna kami ,tapos nagtanong na kami sa pier kung pano ang gagawin namin papuntang Cebu. 10pm ang alis ng Lite Shipping Corp., kaya kumuha kami agad ng ticket at freight, walang sinabi sa office ng Lite Shipping na kailangan pala ng Terminal fee sa motor, kaya nag ka problem kami nung dumating kami sa pier ng Cebu, buti lang pinalusot na kami pero binayaran ko sya ng pang kotse na price na terminal fee.



Mar. 02, 2009 - Cebu Tour. 4:00 ng umaga, nasa Cebu na kami antok na antok na ako. Kaya nag hanap muna kani ng murang Inn. Sa D'inn kami nag stay, kakainis nga lang dito hindi malinis ang lugar nila. No choice kasi kami. Sobra na antok at pagod, habang na tutulog kami tawag ng tawag yung tao sa Inn at tinatanong kung mag extend kami sabi namin oo, tapos kumatok at naningil na agad. Hindi man lang kami hinayaan na matulog muna at pag alis namin saka kami singilin sa bayad (Itorbo talaga sila). Kaya na bad trip na ako sabi ko mag prepare na tayo tutal 6:00 AM na.
Sa Sugbutel kami nag check in for overnight stay sa Cebu. Maganda dito lalo na sa nag titipid, iniwan namin yung bag namin sa kanila. So handa na kaming ikutin ang Cebu. Si Littlegirl at si Butch ang nag tour sa amin sa Cebu. Dami namin na puntahan. Lahat yata ng list ko na Tourist Spot na daanan namin. Sobra pa yata eh.. Thanks sa kanila 69 moto.



Mar. 03, 2009 - From Cebu Pier to Tubigon, Bohol Pier. Pag kagising namin, nilakad na namin yung ticket sa superferry going to manila. Para sa pag uwi namin sa march 6 (may promo sila na birthday discount). Kaso pagkatagal tagal ng process nila. (Nag inquire na kami dito sa manila, sabi nila sa cebu kami dapat kukuha ng ticket to avail yung promo nila). Umalis muna kami sa superferry kasi matagal pa ang process, dahil hinihintay pa nila yung tawag sa manila at yung promo code para sa ticket. Nilakad na namin yung ticket sa Lite Shipping Corp. papuntang tubigon, bohol. Kaso 7pm pa yung alis namin dapat bumili kami sa office mismo ng Lite shipping hindi sa pier 1. Nakita namin yung office ng Lite Shipping malapit lang, nagtanong kami for ticket at freight sa Roro. Nagulat kami, yung lalaki sa Ormoc na nag release ng paper sa freight eh nandun din sa Cebu Lite Shipping Office. Meron na kaming ticket, bumalik kami sa superferry kaso wala pa rin silang update, so iniwan ulit namin at pumunta kami sa 2GO office para sa frieght ng motor namin papuntang manila. Kaso sabi sa amin sa March 6 na ng hapon. So balik ulit kami sa superferry, tanghali na (Lunch Time na) wala pa rin. Sobra kupad ng superferry, na babadtrip na kami. Kasi na sayang ang half day namin. Kumain muna kami sa calinderia malapit sa office ng superferry kaso sobra mahal dun at hindi masyadong masarap ang food. Dumating na sina Littlegril at Butch 1pm na, hay salamat na process na yung ticket. Umalis na kami agad dahil bibili pa ako ng danggit at ipapadeliver ko pa dito sa bahay namin para wala na kaming bibitbitin. Sinamahan kaming bumili ng danggit at hinatid sa SM Cebu. Pinadeliver ko na sa mail and more sa SM Cebu at kumain na kami ng hapunan sa foodcourt. Tapos alis na rin kami agad para makasakay na kami sa Roro. Thanks ulit.. 9pm ng gabi, naghanap na kami na ma stay for overnight. Nakakita naman kami sa Tubigon, Bohol. TMR Pension House.



Mar. 04, 2009 - Tubigon, Bohol to Panglao Island. 8:00 AM kami umalis sa TMR Pension House, nag short na lang kami. Nag tour na kami habang hinihintay namin na dumating yung mga kasama namin from manila (ka officemate ng husband ko). Marami ditong Old Church sa Bohol. Nakakatuwa ang mga design nila. Mga dinaanan namin (Calape, Loon, Maribojoc at Punta Cruz Watch Tower). Kaso wala pang 11:00 AM feeling ko na susunog na yung balat ko. Namasyal kami sa Alona Beach sa Panglao. Sila nag swimming kaya kitang kita yung sun burn ng husband ko.



Mar. 05, 2009 - Half of Bohol Tour. 7:30 AM, umalis na kami agad. Pumunta kami (Dauis, Baclayon, Alburquerque, Loay, Lila, Dimiao, Valencia, Garcia Hernandez at Jagna.) Nag shortcut kami dumaan kami sa secondary road, kaso ginagawa yung road kaya mukha na naman kaming naka dirt bike kaso kawawa yung motor namin na si Maggy. Jagna to Sierra Bullones papuntang Carmen, Bohol kaya na daanan namin yung Lunab Rice Terraces nila isa din sa Tourist Spot. Pumunta na kami sa Chocolate Hills, nakakahingal umakyat. Dumaan kami sa Bilar, Man Made Forest sarap dito, malamig. Pag lagpas namin may twisties sumadsad na naman yung kaliwang paa sa kakabangking. Sa Loboc kami nag tagal dahil lunch time na sinubukan namin yung River Cruise 300 per head, sarap ng food nila, kaso ingat lang huwag uubusin agad ang softdrink. Kasi yung another softdrink may bayad na po, 40 pesos pati tubig. Sa Loboc Tarsier naman next namin nakakatuwa sila. Lalo na nung kumain sya ng crickets, kitang kita mo sa mukha ng tarsier na inaantok at tinatamad pero sarap na sarap kumain. Pumunta kami sa Sevilla sa Sipatan Bamboo Hanging Bridge at sa Sagbayan Peak. Medyo yung half ng road sa Sagbayan Peak hindi na rin maganda, kaya dumaan na kami sa Clarin. Kung ano yung route namin nung day 4 yun ulit ang dinaanan namin kasi maganda ang road condition.



Mar. 06, 2009 - Panglao Island to Cebu Pier. 7AM ready na kami umalis, dinaanan namin yung Church ng Panglao at Spanish Tower, hinag-danan Cave bumili ako ng peanut kisses (150 for 16 pcs) at Cortes. 12pm ang alis namin sa Tubigon, Bohol. Pagkarating namin sa Cebu Pier diretso na kami sa 2GO para na frieght na yung motor namin. 9:15pm ang alis ng superferry going to manila, so tulog na muna kami.



Mar. 07, 2009 - Superferry - Manila to Laguna. 6:30 AM gising na kami. Pumila na kami para maka pag breakfast na. Daming Island na dinaanan daming (flying fish sa dagat), tulad ng Romblon, Babuyan Island, Marinduque, Mindoro, Lucena, Batangas, Cavite (Daming Jellyfish na brown dito sa dagat). 7:30 PM nasa Manila na kami hinihintay na alng namin ilabas yung motor namin. 9:00 PM nasa Laguna na kami.

Thursday, January 22, 2009

LMC Quezon Ride

Jan. 18, 2009 - Almost 4 months na hindi kami sumamasa sa official ride ng LMC. Ang kapal ng FOG sa Quezon, pasumpong sumpong ang ulan dun at malakas ang alon. Konti lang ang mga shots na kinuha ng husband ko (I'm not interested for taking sa shots anymore, kaya sya ang kumuha). Medyo gabi na kami nakauwi.

Saturday, October 18, 2008

Lucban Quezon to Lake Caliraya

Oct. 18, 2008 - 9th Solo Ride, 5:30 in the morning with a good weather. Nag gas kami sa Pavillion Shell, then diretso na kami sa Lucban,Quezon. Sa Kamay ni Hesus Shrine, naglakad sa itaas (wow ang taas ng mga hagdanan), nag take ng picture, bumili ng pasalubong at nag breakfast kami dun. Around 10:20 am (maaga pa para umuwi), diretso kami sa Cavinti, ang ganda ng Lake nila, hanggang nakarating kami sa Japanese Garden at Lake Caliraya. Tapos nung bumababa na kami, ang ganda ng view ng Laguna de Bay. Nung nasa San Pablo na kami, biglang naisipan namin na pumunta sa Villa Escudero. Binibiro ako ng husband ko na diretso na kami sa Bicol. Kaso nung nasa gitna na kami malapit na yata sa Tiaong Quezon, may nakita akong maitim na ulap, sabi ko uwi na kami, baka abutan kami ng ulan. 265.3 km ang layo ng tinakbo namin. 4:45 pm nasa bahay na kami.

Sunday, September 14, 2008

LMC Lian Batangas Ride

Sept. 14, 2008 - LMC Lian Batangas Ride. 24 Riders ang sumama, WOW dami namin. Umakyat kami sa Tagaytay para kumain ng breakfast, tapos diretso na kami sa Lian Batangas. Kakatuwa mag shot ng picture habang tumatakbo yung motor. Nung nasa twisties na kami sa Lian Batangas, another record na naman si Raffyboy (3X na daw sabi nya), Suki na yata sya sa semplang. Pagbaba namin sa Lian, akyat naman kami sa Lemery, sa may fantasy world, tapos take ng picture. Balik na kami sa Tagaytay. Nung pauwi na hinahabol kami ng ulan.

Sunday, August 24, 2008

Tagaytay to Laurel Batangas

Aug. 24, 2008 - 8th Solo Ride (Short Ride lang), 7:00 in the morning nag decide kami na pumunta sa Laurel, Batangas. Bumaba kami sa may rotonda ng tagaytay (Aguinaldo Highway). "Hindi ko alam kung ano, ang name ng road na ito, karamihan rough road." Sobra ang fog sa tagaytay, pati sa baba may fog din. Nakarating kami sa Laurel, Batangas (Busobuso Laurel). Grabe likod na nang taal ang nakita namin. Biglang umambon, nawala na yung taal, kaya umuwi na kami. Sa Ligaya drive kami umakyat.

Sunday, July 13, 2008

Tagaytay to San Pablo

July 13, 2008 - Xado Fun Ride, sumama kami, nag hintay kami sa Tagaytay going Talisay Batangas, konting picture taking sa taal lake. Tapos nun pumunta na kami sa San Pablo City, sa Sampalok Lake, kumain ng lomi tapos, inikot namin yung lake then pumunta na kami sa kamag-anak nila dun kumain ng lunch (thank you sa po sa food). Tapos po nun uwi na kami.

Monday, June 16, 2008

LMC Marilaque Ride

June 15, 2008 - Bike Blessing ng Laguna Moto Club sa Antipolo, tapos diretso kami sa Marilaque, kaso maligaw kami, kumain muna kami, tapos ride na. Nasa Santa Maria, Laguna na kami next nun Famy Laguna na. Kaya balik kami, na papuntang marilaque, umakyat na kami sa Marilaque (sa wakas), sarap na sarap sila sa ride. Take ng picture sa Garden Cottage, tapos baba na kami sa marilaque. Balik na kami sa Famy, ang lakas ng ulan. (Kaya hindi ko makakalimutan yung unang ride namin sa Marilaque, Pag pasok ng Laguna basang basa kami ng ulan). Tapos pinatila muna namin yung ulan, takbo ulit sa Petron Famy, hinto ulit, kasi umuulan nanaman, tumigil na yung ulan, ride na kami biglang bumuhos na naman yung ulan (nag raincoat na) kaso sa paete walang ulan. May check point kaya tanggalan na ng raincoat habang pinakikita yung driver license. May kasama kaming babae na rider. Kumusta na kaya sya. Sobra, nakakapagod yung ride namin, 2X sa marilaque tapos 3x dun sa road papuntang famy. Nakakahilo yun. Pero masarap naman.